Monday, March 10, 2008

"Tina revisited"

When I was in college I made a poem for a girl I was courting at that time. That poem was one of the first poems I made and was published in my former school's literary folio. Today is that girl's birthday so in celebration of her b-day im reposting that poem.

Tina
Nang aking masilayan
ang iyong kagandahan
Ako ay natulala
ang utak ko ay naging parang bula.
Tayo ay naging magkaibigan
kasama sa lahat ng tawanan
ang di mo alam
ako'y sayo'y may nararamdaman.
Isang malamig at masuyong gabi
aking biglang nasabi
nararamdaman ng aking puso
pag-ibig na hindi tuso.
Ang iyong iginanti
isang buntong hiningang matindi
ang akala kong mensahe mo ay OO
yun pala ito ang makakasira
sa aking ulo.
Sinabi mo pa nga ang tinging mo lang sa
akin ay kaibigan
na lagi mong maasahan
kaya pala di mo pinapansin
pag ako ang gumagawa ng iyong tungkulin.
Bigla mong pinakita
litrato ng iyong sinisinta
Aaminin kong mas guwapo siya
pero di hamak na mas matalino ako sa kanya.
Nang tayo ay maghiwalay
Ako'y umuwing nakatanga at natuyuan ng laway
ako'y malungkot na malungkot
parang bulaklak na nilukot.
Kaya ngayong ika-14 ng Pebrero
patutugtugin ko kanta na iyong paborito
para kahit wala akong valentina
maalala kita mahal kong Tina.

P.S. The feelings for this girl is long gone, i just want to reminisce my college life. hehe . BTW she is a good friend of ex. :)

No comments: